Isang bahay sa Alicia, Isabela nasunog; pamilyang nasunugan nabigyan na ng tulong ng LGU
Unread post by bombocauayan » Thu Jul 21, 2022 7:19 am
CAUAYAN CITY – Nabigyan na ng tulong ng pamahalaang lokal ng Alicia, Isabela ang isang pamilyang nasunugan ng bahay sa Barangay Paddad.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Joel Amos Alejandro na gawa sa light materials ang nasunog na bahay na pagmamay-ari ni Bernardo Bonilia, isang construction worker.
Wala namang nasaktan o nasawi dahil walang tao sa loob ng bahay nang maganap ang sunog.
Mayroong pumutok sa loob ng bahay bago nakitang nasusunog.
Tumugon ang mga kasapi ng BFP Alicia ngunit dahil gawa sa light materials tulad ng kawayan at kahoy ay tuluyang natupok ng apoy ang bahay.
Maaring ang pumutok na linya ng kuryente sa loob ng bahay ang sanhi ng sunog.
Pansamantalang nakikitira sa bahay ng magulang ang pamilya ng nasunugan at nagbigay na ng tulong ang mga kawani ng DSWD sa kanila.
Ilan lamang sa naibigay na tulong ay mga gamit sa kusina, mga kumot at mga damit.