-- Advertisements --

Nabawi ng Taiwan ang ilang mga bahagi ng hinihinalang Chinese meteorological balloon na pinabagsak ng US.

Dahil sa insidente ay pinaigting ng Taiwan ang kanilang pagpapatrolya sa mga military facilities.

Ayon sa Taiwan Army na ang hindi malamang bagay ay nakitang nahulog mula sa kalawakan at bumagsak sa Matsu Islands na may layong 280 kilometers mula sa Taipei.

May laki ito ng isang diametro ang laki at may nakasulat na Chinese na maaring galig sa isang meteorological detection device.

Isasailalim sa malalimang pag-susuri ng mga otoridad ang nasabing bagay para malaman kung anong uri ito.