Mahigpit na rin ngayon ang pagbabantay ng mga eksperto sa ilang lugar sa Central Luzon, dahil sa mabilis na naging paglobo ng COVID-19 cases sa mga nakalipas na araw.
Ayon sa OCTA Research Group, kabilang sa mga lugar na nasa critical level ang Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan at Tarlac.
Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David, na mula sa mga probinsyang nakitaan ng mabilis na paglobo ng mga bagong COVID cases, nakuna nila ang sentro ng mga ito sa mga sumusunod na lugar: Santa Maria at San Jose del Monte sa Bulacan; San Fernando sa Pampanga; Olongapo City sa Zambales; Cabanatuan City sa Nueva Ecija; Tarlac City sa Tarlac at Balanga sa Bataan.
Maging ang Metro Manila ay mataas pa rin ang daily rate, sinusundan ng Cavite, Laguna, Cebu at Pampanga.
Habang ang top 10 cities ay kinabibilangan ng Quezon City, Manila, Taguig, Makati, Davao, Dasmarinas, Caloocan City, Paranaque, Cebu City at Bacoor.
Sa mga inisyal na ulat, maging ang mga pribadong ospital sa mga lugar na ito ay napupuno na rin ang ICU at hospital beds.