CENTRAL MINDANAO- Humihingi ng paumanhin si Kabacan Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr at si ABC President PB Evangeline Pascua-Guzman sa mga motorista at dumadaan sa National Highway.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang cross drainage rehabilitation mula Mercado St. patungong Roxas St.

-- Advertisement --

Ayon kay Mayor Guzman, ang proyektong ito ay counterpart ng Brgy. Poblacion na kung saan mithiin ng nasabing proyekto ay maibsan at tuluyang mapababa ang mga nararanasang pagbabaha sa bayan.

Pinuri din nito ang Brgy. Poblacion sa pagkukusang manguna sa mga proyektong ika-uunlad ng bayan.

Samantala, hiniling ni ABC President Gelyn Guzman ang publiko na laging maglinis ng kanilang mga kanal upang hindi ito barado.

Dagdag pa nito, walang silbi ang ginagawang desilting ng LGU at Brgy. Poblacion kung panay parin ang pagtatapon ng bawat isa.