-- Advertisements --
Tuluyan ng naging Low Pressure Area (LPA) ang bagyong Maymay.
Ayon sa PAGASA, na dahil sa paghina ng bagyo ay tinanggal na lahat ang mga typhoon signal sa iba’t-ibang bansa.
Paglilinaw pa ng PAG-ASA na hindi naglandfall si Maymay bilang bagyo subalit ito ay naglandfall bilang LPA.
Inaasahan na tuluyan ng malulusaw ito hanggang mamayang hapon ng Huwebes.
Ang binabantayan na bagong LPA ay posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility ng tanghali ng Huwebes o hanggang hapon ng Huwebes na mararamdaman sa extreme northern Luzon.
Kapag nakapasok na sa LPA ang PAR ay tatawagin itong “NengNeng”.