-- Advertisements --
image 234

Nasa 200,000 individuals sa Vietnam ang inilikas sa mga evacuation centers dulot ng Typhoon Noru o Bagyong Karding sa Pilipinas.

Nag-landfall na sa nasabing lugar ang bagyo.

Sa Danang, Vietnam ang ikatlo sa pinakamalaking lungsod, niuga ng malalakas na hangin ang mga matataas na gusali.

Nagbagsakan ang mga puno at napunit ang mga bubong.

Naiulat din ang malaking pagkawala ng kuryente sa nasabing lugar.

Nagbabala ang gobyerno sa mga residente laban sa landslides at pagbaha.

Nasa 40,000 soldiers at 200,000 militia members ang i-dineploy ng defense ministry na pawang equipped ng mga armored vehicles, at bangka bilang paghahanda sa rescue at relief operations.