Patuloy na lumalakas pa ang paglakas ng bagyong Inday matapos itong dumaan sa dagat patungong silangang bahagi ng Southern Taiwan.
Batay sa pinakahuling weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang sentro ng mata ng bagyo ay nasa 350 km ng East Northeast ng Itbayat, Batanes at may maximum systained winds na 155 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 190 km/h.
Inaasahang magdadala ito ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Zambales, Cavite, Batanggas.
Habang kasalukuyan na rin itong nararanasan sa ilang bahagi ng bansa kabilang na ang Bataan, Morong, Bagac, at Mariveles na maaaring tumagal sa loob ng dalawang oras at maaaring makaapekto sa mga kalapit na lugar.
Samantala, pinapayuhan naman ang lahat na gumawa ng mga hakbang sa pag-iingat laban sa mga epektong nauugnay sa mga panganib na ito na kinabibilangan ng mga flash flood at landslide.