-- Advertisements --

Lalo pang lumakas ang bagyong Inday na may international name na Muifa.

Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 865 km sa silangan ng Central Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 105 kph.

Mula sa pakanlurang direksyon, nagbago na ito at patungo na sa kanluran hilagang kanluran habang napakabagal naman ng kaniyang pag-usad.

Inaasahang lalakas pa ito bilang isang typhoon sa mga susunod na araw.