-- Advertisements --

Lalo pang lumakas ang bagyong Inday na may international name na Muifa.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) weather specialist Raymond Ordinario, nasa typhoon intensity na ang naturang sama ng panahon.

Dahil sa naturang development, inaasahang mas titindi pa ang paghatak nito sa hanging habagat na makakaapekto sa malaking parte ng ating bansa.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 445 km sa silangan ng Itbayat, Batanes.

May taglay itong lakas ng hangin na 120 kph at may pagbugsong 150 kph.

Kumikilos na ang typhoon Inday nang pahilagang kanluran sa bilis na 15 kph.