-- Advertisements --
Inalerto ng Pagasa ang publiko kaugnay ng papalapit na sama ng panahon.
Ayon kay Pagasa weather specialist Aldczar Aurelio, isang malakas na bagyo at low pressure area (LPA) ang kanilang inaantabayanan.
Ang LPA ay nasa layong 1,210 km sa silangan ng Extreme Northern Luzon.
Habang ang bagyong may international name na Hinnamnor ay binabantayan din dahil sa mabilis na paglakas nito.
Inaasahang papasok ito sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Miyerkules o Huwebes, bilang isang super typhoon.
Tinatayang lalapit ito sa dulong hilagang Luzon ngunit hindi direktang dadaan sa Philippine landmass.