-- Advertisements --

Lumakas pa ang bagyong may international name na Surigae, habang papalapit sa Pilipinas.

Ayon kay Pagasa weather specialist Benison Estareja, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,210 km sa silangan ng Mindanao.

Inaasahang papasok ito sa Philippine area of responsibility (PAR) sa darating na Huwebes o Biyernes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 10 kph.