-- Advertisements --

Binabantayan ngayon ng Pagasa ang isang bagong bagyo na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa weather bureau, posibleng lumapit ito sa Pilipinas sa mga susunod na araw.

Huling namataan ang naturang tropical disturbance sa layong 2,485 km sa silangan ng Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa napakabagal na pag-usad.

Samantala, ang inoobserbahang low pressure area (LPA) naman na nagdulot na ng mga pag-ulan sa Visayas at Mindanao ay namataan sa layong 130 km sa silangan ng Davao City.