-- Advertisements --
MARYLAND, USA – Muling nakapagtala ng bagong record high ang Estados Unidos sa dami ng COVID-19 cases sa loob ng isang araw.
Batay sa data ng Johns Hopkins University, 40,173 ang mga bagong nadapuan ng sakit nitong nakaraang araw lamang.
Sinasabing 30 estado mula sa kabuuang 50 ang nakapagtala ng paglaki ng bilang ng mga tinamaan ng deadly virus.
Pero para kay US Vice President Mike Pence, bunga pa rin ng malawakang testing ang lumalabas na dami ng COVID positive.
Aniya, mas marami pa ring magandang bunga ang unti-unting pagbabalik sa operasyon ng mga industriya, makaraan ang lockdown. (CNN)
















