Nakiisa sa panawagan ang bagong talagang Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil para sa proteksyon ng mga mamamahayag sa Pilipinas.
Nakiramay din ang opisyal sa pamilya ng napaslang na radio commentator na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid sa Manila Memorial sa Parañaque City.
Ayon kay Atty. Garafil, ang kaniyang pagbisita sa burol ni Lapid ay personal dahil siya ay long-time friend ng kapatid ni Lapid na si Roy Mabasa.
Nakiisa din ito sa mga nanawagan na makamit sana ang hustisya para kay Lapid at umaasa sa agarang ikareresolba ng kaso.
Samantala, inamin naman ng bagong talagang acting press secretary na hindi magiging madali ang kaniyang hahawakang posisyon subalit nakahanda ito sa kaniyang unang araw na pagsabak sa trabaho sa Lunes, Oktubre 10.