CENTRAL MINDANAO – Itinalaga umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Kagui Karialan faction) ang bago nilang tagapagsalita na si Abu Jehad.

Unang nasawi ang tagapagsalita nila na si Mando Mamalompong alyas Kumander DM at Abu Amer sa Law Enforcement Operation ng pulisya at 34th Infantry Battalion Philippine Army sa Sitio Macantal, Brgy Olandang, Midsayap, North Cotabato.

-- Advertisement --

Binawian din ng buhay ang kanang kamay ni Kumander DM na si Nur Hamid Sabdulla.

Narekober naman ng mga otoridad sa mga nasawing myembro ng BIFF ang isang M16 Armalite rifle, M14 rifle, mga bala at magazine.

Kinumpirma mismo ng pulisya at militar na si Kumander DM ay nahaharap sa patong-patong na kaso at may warrant of arrest pa sa korte.