LEGAZPI CITY- Inaasahan na magiging malaking tulong sa pagresponde sa emergency situations ang bagong speed boat na nabili ng lokal na pamahalaan ng Donsol, Sorsogon.
Ayon kay Donsol Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Head Bryan Garrido sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ito ang pinaka unang major water asset ng bayan.
Nabatid na noong una ay pawang maliliit na bangka lamang kasi umano ang ginagamit sa pagresponde sa mga insidente sa karagatan.
Sinabi ng opisyal na ang naturang speed boat ay mayroong double engine, may sensor at iba pang functions.
Sinabi ni Garrido na ang hindi nagastos na pondo mula sa Local Disaster Risk Reduction and Management Funds ang ginamit upang mabili ang naturang nasabing water asset.
Samantala, nagkatoon na umano ng sea trial kung saan ginamit ang speed boat patungo sa San Jacinto, Masbate upang makipag-ugnayan sa kanilang counterparts at napag-usaoan ang plano para sa kolaborasyon ng dalawang lokal na pamahalaan.