Napabilang pa rin sa inilabas na short list ng mga posibleng susunod na mahistrado ng Korte Suprema ang kaka-appoint pa lamang na si Solicitor General Darlene Berberabe.
Batay sa 12 pangalan na isinapubliko ng Judicial and Bar Council (JBC), nasa paangatlo si Berberabe.
Ang nasabing short list ay mula sa mga sumalang sa public interview na pinagpipilian upang maging kapalit ni outgoing Associate Justice Mario Lopez na magreretiro sa Hunyo 4, 2025.
Ang nasabing liham ay ipinadala kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at may lagda ito ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.
Kabilang sa mga nasa short list ang mga sumusunod:
1. Nina Geluz Antonio-Valenzuela
2. Ramon Mariño Bato, Jr.
3. Darlene Marie Basco Berberabe
4. Ramon Alcala Cruz
5. Maria Elisa Sempio Diy
6. Myra Virtucio Garcia-Fernandez
7. Fernanda Lampas Peralta
8. Ronaldo Roberto Baquizal Martin
9. Karl Belandres Miranda
10. Walter Santos Ong
11. Maria Rowena Modesto San Pedro
12. Raul Bautista Villanueva