-- Advertisements --

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panunumpa kay Atty. Darlene Marie Berberabe bilang bagong Solicitor General (SoLGen).

Si Berberabe ang pumalit sa pwesto ni SolGen. Menardo Guevarra matapos tanggapin ni Pangulong Marcos ang courtesy resignation nito.

Si Atty. Berberabe ay ang dating Pag-Ibig CEO at UP Law Dean.

Siya ay faculty member ng Philippine Judicial Academy, kung saan grumadweyt siya ng summa cum laude in philosophy sa University of the Philippines.

Nagpa-abot naman ng kaniyang pagbati si SolGen Guevarra kay Atty. Berberabe at sinabing masaya siya sa appointment nito na maituturing na isang top-caliber lawyer na mayruong impressive management background.

Samantala, nanumpa na rin si Mr. Jose Ramon Aliling bilang bagong Kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Si Aliling ang pumalit sa pwesto ni Sec.Rizalino Acuzar matapos tanggapin ang kaniyang courtesy resignation ni Pang. Marcos.

Una nang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi na bago sa DHSUD si Aliling dahil sya ang naging in-charge sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing o 4Ph program at ang Pasig Bigyang Buhay Muli project.

Siya ang President and CEO ng Jose Aliling Construction Management Group of Companies at ang pinaka batang President ng Construction Management Association of the Philippines at unang awardee ng The Outstanding Young Men of the Philippines for Civil Engineering.