-- Advertisements --

Hahalili bilang bagong Solicitor General si dating PAG-IBIG Fund CEO Darlene Marie Berberabe.

Papalitan ni Berberabe si SolGen Menardo Guevarra.

Si Berberabe ay isa sa mga in-interview ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa posisyon bilang Supreme Court associate justice. Ito ay gitna ng nakatakdang pagreretiro ni Associate Justice Mario Lopez sa Hunyo 4.

Sa kasalukuyan, nagsisilbi si Berberabe bilang dean ng UP College of Law.

Nakatanggap na rin ito ng mga parangal kung saan isa siya sa itinanghal sa 100 Most Influential Filipino Women noong 2014 at iba pa.

Samantala, inihayag naman ni Guevarra na masaya ito para kay Berberabe na inilarawan niya bilang isang dekalibreng abogado.

Sinabi din ni Guevarra na babalik siya sa kaniyang tahimik at mapayapang pribadong buhay pagkatapos ng kaniyang paninilbihan bilang SolGen.