-- Advertisements --
SC JUSTICE RICARDO ROSARIO

Hinangaan ngayon ang dating Court of Appeals (CA) Justice Ricardo Rosario na bagong Associate Justice ng Supreme Court (SC) matapos manumpa na sa puwesto kahapon.

Ang ika-189 na mahistrado ay naging messenger muna ng Employees’ Compensation Commission noong 1976 at naging security guard ng Office of the Government Corporate Counsel noong 1977 hanggang sa na-promote sa Clerk position.

At dahil sa naging inspirasyon niya ang kanyang tatay na isa ringg abogado, kumuha ito ng pagka-abogasya sa Ateneo University School of Law mula 1979 hanggang 1983.

Maalalang bago ang kanyang appointment sa kataas-taasangg hukuman, nagsilbi si Justice Rosario bilang Associate Justice ng CA sa loob ng 15 taon at naging chair ng 9th Division.

Sa kanyang buong professional career ay sa gobyerno lamang ito nagtrabaho.

Matapos pumasa sa bar exam ay nagtrabaho na ito bilang abogado sa Legal Department ng National Bureau of Investigation (NBI) bilang Legal Officer.

Ito ang nagbukas sa kanya sa mahaba at illustrious career bilang government lawyer noong naging Corporate Attorney ng Manila Waterworks and Sewerage System mula 1986 hanggang 1994.

Noong Maros 1994, na-appoint ito bilang Assistant City Prosecutor sa Quezon City at noong 1997 ay na-appoint namang Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court (MTC) ng Manila, Branch 19 at bilang Presiding Judge ng Regional Trial Court ng Makati City, Branch 66 at dito nagtrabaho hanggang sa ma-promote naman sa CA bilang Associate Justice noong September 2005.

Ipinanganak si Rosario noong October 15, 1958 at magreretiro sa kanyang ika-70 kaarawan sa 2028.