Pormal ng mag-a-assume ngayong araw ang bagong itinalagang PNP spokesperson at Public Information Office chief na si Chief Supt. John Bulalacao.

Si Bulalacao ang pinili ni PNP Chief Police Director Gen. Ronald dela Rosa na papalit sa pwesto ni Chief Supt. Dionardo Carlos na itinalagang director ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP).

Mamayang alas-10:00 ng umaga magaganap ang change of office ceremony sa Kampo Crame.

Si Bulalacao ang deputy regional director for operations ng NCRPO.

Naging deputy director din si Bulalacao for Logistics Support Service, chief of staff ng Civil Security Group at assistant chief ng Firearms and Explosive Office at provincial director ng Cavite.

Ang appointment ni Bulalacao sa bagong pwesto ay bahagi ng reshuffle na ipinatupad sa PNP kasunod ng pag retiro sa serbisyo ng ilang mga senior high ranking officials.

Si Bulalacao ay miyembro ng PMA Maringal Class of 1988 na mistah ni Carlos.