-- Advertisements --
Nais ng bagong halal na pangulo ng Philippine Football Federation (PFF) na maputol na ang puwang sa pagitan ng mga Filipino-Foreign at homegrown players.
Sinabi John Gutierrez, na gumagawa na ng hakbang ang kaniyang pamunuan para madanas rin ng mga homegrown players kung ano ang kalidada na training na ginagawa ng mga Filipino-Foreing players.
Hindi kuwestiyon aniya ang dugo dahil ang mahalaga ay ang pagiging isang Pinoy na siyang maglalaro sa iba’t-ibang torneo sa ibang bansa.
Bubuo aniya ito ng technical group para sila na ang mamamahala sa iba’t-ibang level ng training mula sa national team.
Umaasa ito na kapag natapos na ang kaniyang termino ay wala ng anumang puwang sa pagitan ng mga homegrown players at mga Filipino-Foreign players.