-- Advertisements --

Nanumpa ang nanalong kandidato sa pagkapangulo ng Taiwan na si Lai Ching-te na ipagtatanggol ang bansa mula sa “pananakot” ng bansang China.

Ayon sa kanyang victory speech, patuloy niyang poprotektahan ang Taiwan mula sa anumang banta ng China.

Nangako rin ito na pananatilihin ang peace and stability sa Taiwan Strait.

Si William Lai Ching-te mula sa Democratic Progressive Party (DPP) ay nanalo sa halalan sa pagkapangulo ng Taiwan, sa kabila ng mga babala mula sa China – na nagsasabing bahagi ng teritoryo nito ang Taiwan – na huwag siyang iboto.

Si Lai, ang kasalukuyang bise presidente, ay nasa three-way race kasama si Hou Yu-ih mula sa conservative Kuomintang (KMT) at dating Taipei Mayor Ko Wen-je mula sa Taiwan People’s Party (TPP), na itinatag lamang noong 2019.