Ibinabala ng infectious disease expert na si Dr Rontgene Solante na maaaring magdulot ng malubhang impeksiyon sa mga vulnerable population ang bagong nadetect na Omicron subvariant na FE.1 o kilala din bilang XBB.1.18.1.1.
Ito ay inuri bilang sublineage ng omicron subvariant na XBB at variants of interest.
Ayon kay Dr Solante mayroong partikular na mutations sa FE.1 variant na tinatawag na mutations of interest na hawig sa omicron subvariant na XBB na kasalukuyang nagdudulot ng pagtaas sa mga kaso sa nakalipas na linggo o buwan.
Bagamat wala pang direktang ebidensiya para matukoy kung lubhang nakakahawa ang FE.1 o mas nagdudulot ito ng severe infection sa mga bakunado na.
Subalit nagbabala ang eksperto lalo na sa mga indibidwal na mayroong comorbidities at matatanda na palaging magsuot ng face mask at i-update ang vaccination status dahil sa paghina ng immunity matapos ang apat hanggang anim na buwan na makatanggap ng bakuna.
Ipinunto pa ni Dr. solante na ang bagong subvariant ay nagdudulot lamang ng mild symptoms partikular na sa nakababatang populasyon dahil ang tinatarget nito ay ang respiratory tract hindikatulad ng Delta variant.
Pinawi naman ng eksperto ang pangamba ng publiko na huwag mag-panic dahil halos dalawang taon na rin aniyang maganda ang health care utilization rae sa bansa.
Sa ngayon, wala pang impormasyon kung ang bagong bakuna na bivalent ay epektibo laban sa FE.1 subvariant.
Base kasi sa kasalukuyang data sa bivalent, dinisenyo ito target ang orihinal na virus at omicron variant.
Una ng sinabi ng DOH na walang pinagkaiba ang FE.1 variant sa orihinal na omicron vriant pagdating sa severity at clinical manifestations.