Aminado ang Department of Health (DOH) ang mas nakakahawa ang bagong mutation ng virus na nagdudulot sa COVID-19.
Pahayag ito ng ahensya, matapos sabihin ng public health expert na si Dr. Edsel Salvana na posibleng tumaas ang bilang ng mga mamamatay sa pandemic na sakit, kung hindi babantayan ang bilang ng impeksyon.
“Mutations do occur with COVID-19 virus, and this particular one is now more common in the world and seems to be more infectious,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Sa Facebook post ni Salvana, tinukoy nito ang “D614G mutation” na nagpapalala sa virus para mas maging nakakahawa.
“There is NO evidence it makes it more deadly or virulent (mas nakakamatay). However, it can spread faster and overwhelm our healthcare system if we don’t double our control efforts and so it can lead to a higher number of overall deaths if we do not properly manage the number of infections,” ayon sa doktor, na miyembro ng technical advisory group ng DOH at Inter-Agency Task Force.
Hinimok naman ng Health department ang publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum health standard tulad ng pagsusuot ng face mask, physical distancing at proper hygiene para maiwasan ang pagkalat ng sakit.
“Our safety protocols must be strengthened… let us continue to limit our travel to only essential ones.”