ILOILO CITY – Umani ng libo-libong mga welcome messages ang opisyal na paglunsad ng Duke at Duchess of Sussex ang kanilang joint Instagram (IG) account.

Kasabay nito ay ikinatuwa ng mga fans ang unang post nina Prince Harry at Meghan Markle sa nasabing photo and video-sharing social networking service na may imahe ng logo tampok ang letrang H at M.

Sa itaas naman nito ay mayroong korona na may background color na deep blue.

Mayroon din itong caption na nagsasabing “We look forward to sharing the work that drives us, the causes we support, important announcemens and the opportunity to shine a light on key issues.”

Ang kanilang joint IG account na @sussexroyal ay agad nakahakot ng mahigit dalawang milyong followers (as of posting time) kung saan inaasahan din ng mga fans ang update sa kapanganakan ng kanilang first child na magiging ikapito sa linya ng British throne.

Ibinahagi rin ng British royal couple ang ilan sa kanilang mga paboritong litrato tulad ng kanilang tour sa Australia last fall, Harry’s work kasama ang mga military at ang kanyang conservation efforts sa mga elepante.

Nariyan din ang bonding ng retired American actress kasama ang mga kababaihan ng Hubb Community Kitchen at ang kanyang koneksyon sa publiko.

Nagtapos naman ang photo gallery sa isang dramatic black and white na kuha ng couple sa kanilang tour Down Under habang kumakaway sa publiko. (report from Star Iloilo)