-- Advertisements --
Nagtala ang bansa ng kabuuang 9,671 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong Linggo Agosto 8.
Dahil sa nasabing bilang ay mayroon ng 1,658,916 ang kabuuang bilang ng COVID-19 case sa bansa.
Sa nasabing bilang ay myroong 77,516 ang aktibong kaso kung saan 93.2% ang mild, 2.8% ang asymptomatic, 1.7% ang severe at 1% naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Umakyat naman ang bilang ng mga gumaling na mayroong 1,552,278 .
Tumaas naman ang nasawi na mayroong kabuuang 287 na siyang pinakamataas mula noong Abril 9.
Ayon sa Department of Health na lahat ng mga laboratoryo ay operational mula pa noong Agosto 6.