Maaaring umabot ang mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa 1,200 ngayong araw ng Linggo, Disyembre 18, batay sa projections ng independent monitoring group na OCTA Research.
Ayon kay OCTA Research fellow na si Dr. Guido David, ang mga bagong impeksyon sa Linggo ay maaaring mula 1,000 hanggang 1,200.
Ito ay matapos magtala ang Department of Health ng 1,196 na bagong kaso ng COVID-19 noong Sabado, na nagpababa sa aktibong caseload sa 18,262.
Sinabi ni David na ang nationwide positivity rate – o ang porsyento ng mga taong natagpuang positibo para sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasuri ay nasa 12.5%.
Ang pinakahuling datos ng DOH ay nagpakita na ang National Capital Region ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may kabuuang 5,945 cases.