Adele 1
-- Advertisements --

Naging patok sa mga music lovers ang bagong kanta ni Adele na “Easy On Me”.

Ito kasi ang unang kantang inilabas ng British pop star matapos ang anim na taon.

Ang nasabing kanta ay kabilang sa ilalabas nitong album na “30” sa darating na Nobyembre 19.

Umabot na sa halos 25 milyon views sa mga video sharing apps ang kanta ni Adele matapos ang ilang oras.

Nag-trend din ang pangalan niya sa Twitter.

-- Advertisement --

Nakilala ang singer sa mga kanta gaya ng “Chasing Pavements”, “Rolling in the Deep”, “Someone Like You”, “Hello” at maraming iba pa.

Nakakuha rin ito ng 15 Grammy Awards, 9 na British awards at kinilala bilang most influential people sa buong mundo ng Time magazine mula 2012 at 2016.