-- Advertisements --

Inilabas na ang bagong kanta ng K-pop group na Blackpink.

Sa kanilang mga social media ay inanunsiyo nila ang paglabas ng kantang “Pink Venom”.

Ito ang kantang unang inilabas matapos ang halos 2 taon na pamamahinga dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ng isa sa miyembro nila na si Rose na ang kanta ay nagpapahayag kontra sa pagkakakilala sa kanila na Blackpink.

Ang nasabing kanta ay kabilang sa bagong album na “BORN PINK” na nakatakdang ilabas sa Setyembre 26.