-- Advertisements --
Nagpakitang gilas ang bagong import ng Rain or Shine na si Greg Smith II matapos talunin nil aang Blackwater Bossing 122-117 sa nagpapatuloy na 2023 PBA Governors’ Cup na ginaganap sa Mall of Asia Arena.
Nagtala ito ng 38 points, anim na rebounds at limang assists habang mayroong 16 points at pitong rebounds si Santi Santillan.
Ipinalit kasi si Smith kay Michael Quaills matapos na mabigo ang Rain or Shine sa kanilang mga naunang mga laro.
Nag-ambag naman ng tig-12 points sina Shaun Ildefonso at Beau Belga para tuluyang madala ang koponan sa panalo.
Ikinatuwa naman ni RoS coach Chot Reyes ang panalo nila dahil sa matagal na silang hindi nakakatikim ng panalo.