-- Advertisements --
Tiniyak ng bagong talagang Davao City Police chief na kanilang itutuloy ang paghahanap at pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Police Col. Rolindo Suguilon, na kapag nakakuha na sila ng impormasyon sa kinaroroonan ni Quiboloy ay kanila ito ng tutunguhin at aarestuhin.
May mga itinalaga na itong tracker team para sa dobleng paghahanap kay Quiboloy.
Magugunitang naglabas ng kautusan ng Korte Suprema na ilipat na sa Quezon City Regional Trial Court ang sexual abuse case ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader mula sa dating Davao City Regional Trial Court.