Isinapubliko ni United States President Donald Trump ang plano ng kaniyang administrasyon na gumawa ng bagong healthcare plan para sa mamamayan ng Estados Unidos.
Sa ginawang talumpati ni Trump sa North Carolina, sinabi nito na ang kaniyang healthcare plan ang tatalo sa Obamacare na sinimulan ni dating US President Barack Obama noong 2010.
Ibabase ng Republican president ang bagong healthcare plan sa tatlong pinaka kinakailangan ng kaniyang mamamayan ngayong panahon ng pandemic.
Ayon kay Trump magiging malaya ang mga pasyenteng Amerikano na piliin ang healthcare plan na s tingin nila ay babagay sa kanilang kailangan.
Bababaan din ang presyo ng mga healthcare plans para hindi mahirapan ang bawat pamilya na bayaran ito at hindi rin sila magulat sa kanilang bill.