-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pagsusumikap ng pamahalaan para mas mapaigting pa ang cybersecurity capability at investigative capabilities ng Pilipinas.

Sa gitna ito ng kaliwa’t kanang mga online scam at iba cybercrime na naglipana sa bansa na bumibiktima sa marami sa ating mga kababayan.

Ayon kay Cybercrime Investigation and Coordinating Center Executive Director Mary Rose Magsaysay, sa susunod na linggo ay inaasahan nila ang pagdating ng mga bagong equipment na may kakayahang i-trace ang perang ninakaw ng mga onlince scammers.

Gamit ang makabagong kagamitan na ito ay magagawa na ng naturang ahensya na i-track ang ninakaw na pera online para rin sa mas mabilis na pagtugis sa mga salarin sa likod nito.

Samantala, sa kabilang banda naman ay ibinida rin ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center na sa ngayon ay nakakuha sila ng 100% case resolution score, kabilang na ang mga major hacking incident sa mga websites ng ilang ahensya ng pamahalaan.

Sa pamamagitan ng naturang makabagong equipment ay inaasahan din na mas mapapabilis din ang kanilang pagtatrabaho upang tugunan ang mga insidente ng cybercrime sa bansa. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)