Naniniwala si Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago na makakatulong sa mga otoridad ang kanilang trusted operator program-container registry and monitoring system (TOP-CRMS).
Ayon kay Santiago, sa pamamagitan ng kanilang teknolohiya ay mas madali na para sa gobyerno na malaman ang kinaroroonan ng mga consignee na may kahina hinalang kargamento.
Paliwanag pa ni Santiago, kadalasan aniya sa mga smuggling products ay gumagamit ng pekeng consignee o maling address para maligaw ang mga otoridad.
Sa tulong aniya ng global positioning system (GPS) ay makikita kung saan idedeliver ang isang kargamento at ito ay maaring ma-access ng otoridad kung kinakailangan.
Inaasahang maipapatupad ang TOP-CRMS ng Philippine Ports Authority ngayong una o hanggang ikalawang bahagi ng 2023.
Pangunahing layunin ng high tech system ng Philippine Ports Authority ay mabawasan ang mga container deposit at mapangasiwaan ang mga empty containers sa mga pantalan.