Naitala ngayon ang second highest record, matapos ang number one kahapon na mahigit 17,000 new cases.
Ito’y makaraang makapagrehistro ang Department of Health (DoH) ng panibagong 16,694 kaso ng COVID-19.
Samantala mayroon namang naitalang 15,805 na gumaling at 398 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.8% (123,935) ang aktibong kaso, 91.5% (1,668,520) na ang gumaling at 1.73% (31,596) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 19, 2021 habang mayroong apat na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng apat na laboratoryo na ito ay humigit kumulang 2.7% sa lahat ng samples na nai-test at 4.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal.