Naglabas ng bagong global rule ngayong araw si Pope Francis kaugnay sa patuloy na nagaganap na sexual abuse sa simbahang Katoliko.

Ito ay kung saan inaatasan ng santo papa ang lahat ng diyosesis sa buong mundo na magsagawa ng isang “public and accessible” system kung saan maaaring ireport ang nasabing pang-aabuso.

Inaasahang magsisimula ito sa Hunyo 1, 2020.

Ang nasabing bagong batas na ito ay magbibigay din ng porteksyon sa mga whistle-blower patungkol sa sexual abuse na nagaganap sa kahit anong simbahan at sisiguraduhin na mananatiling confidential ang kanilang pagkakakilanlan.

Sinigurado rin ni Pope Francis na magsasagawa rin ng preliminary investigation ang simbahan kung ang akusado ay isang bishop, cardinal o religious superior.

Ilan sa mga requirements na ito ay ang mga sumusunod:

new law

Ito na umano ang pinaka bagong hakbang ng santo papa upang tumugon sa hindi matapos-tapos na usapin patungkol sa pagdami ng sexual abuse cases sa loob ng simbahan.

Hindi naman isinaad sa batas na ito na kinakailangan pang magsumbong ng mga biktima sa otoridad.