Pormal nang sumabak sa bagong tungkulin si bagong Chief Justice Alexander Gesmundo.
Bagama’t noong nakaraang linggo pa kasi nai-anunsyo ang kaniyang appointment, natapat naman ito sa lenten season.
Pangunahing sentro ng atensyon ni Gesmundo ang mapabilis ang paglilitis ng mga kasong nakabinbin ngayon sa mga hukuman.
Matatandaang computerization, modernization, revision of rules at speedy trials ang naging trabaho niya mula nang pumasok sa kataas-taasang hukuman noong 2017.
Maliban dito, nakilala rin si Gesmundo sa pagboto niya ng pabor sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warrato.
Sumang-ayon din siya sa validity ng pag-aresto kay Sen. Leila de Lima; pumabor sa constitutionality ng Martial Law extension sa Mindanao at pagbasura sa disclosure ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tumatak din ang pagpabor ni Gesmundo sa dismissal ng election protest ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Magreretiro si chief justice sa Nobyembre 6, 2026 na siyang ika-70 kaarawan niya at mandatory retirement age.