-- Advertisements --

Pormal ng uupo bilang bagong Prime Minister ng United Kingdom si Rishi Sunak ngayong araw.

Makikipagpulong kasi si outgoing PM Liss Truss kay King Charles para ihain ang kaniyang pagbibitiw sa puwesto.

Nasa London kasi si King Charles at dito ay makikipagpulong kay Sunak kung saan bibigyan siya ng hari ng pagkakataon na bumuo na ng bagong gobyerno.

Ang 42-anyos na si Sunak ay siyang magiging pinakabatang Prime Minister sa loob ng dalawang siglo at pang-57 na Prime Minister ng UK.

Siya ay naging financial secretary ng nagbitiw na si British PM Boris Johnson.

Sa kaniyang talumpati sa parliamento, sinabi nito na labis siyang nasasabik dahil sa matagal na niyang nais na magsilbi bilang lider ng UK.