Ginanap noong Linggo April 21, 2024 sa Meifoo Park, Hong Kong ang Shoot For A Cause na pinangunahan ni Marites Cruz na Presidente ng Bagong Bayani Lady Eagles Club ng The Fraternal Order of Eagles na may layuning maglingkod sa Sangkatauhan at leader ng TTP Production sa Hong Hong na nagko cover ng mga okasyon ng ating mga kababayang OFW’s, gaya ng Birthdays, Weddings, Anniversaries at iba pang events. Ang SFAC ay karaniwang ginagawa ng mga TTP Production para sa kanilang Fund Raising Program mula pa noon at hanggamg ngayon upang makatulong sa mga Kababayan nating OFW’s na may sakit, lalo na ung mga na terminate sa kanilang mga employers dahil sa ibat-ibang karamdaman at kasalukuyan nasa Hospital sa Hong Kong at hindi nakaka uwi o pinapauwi dahil sa kanilang karamdaman at nagpapagaling.
Ayon kay Marites Cruz ay malaking tulong ang financial support na ito na ibinibigay sa kanila ng mga participants sa pamamagitan ng fundraising activity dahil ito ay malaking pandagdag sa sa mga pasyente sa mga personal na gamot, pagkain at vitamins na hindi lahat naibibigay ng Hospital.
Dagdag pa niya na sa panahon ngayon ay madami tayong mga kababayan sa Hong Kong na dumaranas na ng ibat-ibang sakit na nakukuha sa stress dahil sa hindi makasundong employer, problema ng pamilya sa Pilipinas na nakakarating sa kanila o minsan ay kakulangan sa pagkain sa mga employers at iba pang mga sanhi.
Malaking pasasalamat naman ng TTP Production at members ng Lady Eagles Club dahil kahit napakalakas ng ulan sa araw na iyon ay nagbigay sila ng oras at panahon na makapunta sa nasabing lugar para magpakuha ng mga larawan na naayon sa kanilang kagustohan at nag abot ng kani-kanilang financial donations para maisagawa ang fund raising activity na ibibigay sa ating mga kababayang may sakit.
Nagpa alala naman ang mga Lady Eagles ng Bagong Bayani na ang ginagawa nilang ito ay kusang loob dahil ito ang pangunahing misyon ng Pinoy na Agila na kanilang kinabibilangan, na maglingkod sa Sangkautahan kahit sila ay nasa ibang Bansa at pinapakita ang pagmamalasakit sa ating kapwa Pilipino at OFW.
Marlon Pantat De Guzman
Bombo Radyo International Correspondents
Hong Kong-SAR