THE EAGLE HAS LANDED! -Yan ang mga katagang binitawan ng ating mahal na Consulate General ng Hong Kong na si Madam Germinia V. Aguilar-Usudan, Philippine Consulate General ng Hong Kong ng kanyang unang makaharap ang mga Membro ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated sa pamumuno ng kanilang Club President na si Mar De Guzman na isang OFW sa HONG KONG.
Ito ay matapos ang ginawang matagumpay na Courtesy Call ng mga membro ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club ng National Capital Region 10 sa mismong upisina ng ating Mahal na Consulate General.
Sa pakikipanayam natin sa nasabing mga Club Officers and members ng Eagles Club kay Abbel Macabecha na Vice President ng nasabing Bagong Bayani Eagles Club ay ipinabatid nila sa ating mahal na Consul General ang mga sumusunod na hakbang para magbigay respeto sa ating mahal na ConGen sa itinatayong Eagle’s Club sa Hong Kong , Gaya na lamang ng mga sumusunod;
Ang The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated ay legal na nagtatayo ng Club sa Hong Kong na naayon sa kanilang Constitution ang By-Laws o tinatawag na Magna Carta.
Ang mga Aplikante ay dumaan sa tamang proseso ng 5 i’s process para maging kasapi ang mga ito gaya ng INTRODUCTION-INTERVIEW-INCEPTION-INCUBATION at INDUCTION at ito ay pagdadaanan ng bawat Aplikante para maging ganap na Agila na handang maglingkod sa Kapwa -Tao at upang maintindihan nila ang mga kalakip na obligasyon bilang isang membro.
Ang Bagong Bayani Eagles Club ay sumusunod sa mga legal na hakbang para maipa rehistro ito sa Hong Kong Police at maka kuha ng License of Soceity in Hong Kong bilang Legal na Pilipinong Organisasyon
Susunod din sila sa mga legal na Alituntunin ng Philippine Consulate of Hong Kong para ito ay maging legal na katuwang ng Gobyerno ng Pilipinas sa Hong Kong sa kanilang adhikain bilang Ganap na Pilipinong Organisasyon na magmamalasakit sa kapwa
OFW sa Hong Kong.
Naipabatid din ng mga Officers and Members ng nasabing Club na ang Philippine Eagles ay may misyon na maglingkod sa Sangkatauhan sa pamamagitan ng pinalakas na kapitiran o HUMANITARIAN SERVICE THROUGH STRONG BROTHERHOOD na walang hinihinilng na kapalit sa mga taong matutulongan ng nasabing Eagles Club.
Isang karangalan naman sa mga membro ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagle’s Club sa nabigyan sila ng oras ng ating mahal na Con Gen sa nasabing Courtesy Call sa kabila ng kanyang madaming schedule sa araw ng Linggo upang harapin ang iba pa nating kababayan sa Hong Kong na nanganagilangan sa kanya upang sila ay matulongan.
Sa pagtatapos ng nasabing matagumpay na Coutesy Call ay madiin pinaliwanag ng ating mahal na Con Gen na bilang isang OFW sa Hong Kong at nagkakaisang Pilipino sa isang dayuhan bansa ay dapat pairalin ng bawat Pilipinong Organisasyon ang pagmamahalan at pagkaka-isa para maipagmalaki saan man sa mundo na tayo ang nagkaka-isang Pilipino sa isip, salita at sa gawa. – Bombo International correspondent Marlon ‘Pantat’ De Guzman.