CENTRAL MINDANAO- Pinalitan na ni Bregadier General Roberto Capulong si 602nd Brigade Commander Bregadier General Alfredo Rosario sa ginanap na Change of Command Ceremony sa Camp Lucero sa Carmen North Cotabato.
Dumalo sa turnover of command si 6th ID Chief, Major General Diosdado Carreon, Cotabato Governor Nancy Catamco, Sultan Kudarat Gov Teng Mangudadatu, mga alkalde mula sa probinsya ng Cotabato at Maguindanao.
Sinabi ni General Capulong na palalakasin pa nya ang kampanya laban sa mga armed lawless group,war on drugs katuwang ang pulisya at PDEA, lalo na ang seguridad sa mga residente na sakop ng 602nd Brigade.
Nagpasalamat naman si General Rosario sa lahat ng mga sumuporta sa kanyang pmumuno sa liberator brigade.
Nagpahayag naman ng suporta ang mga lokal opisyal sa bagong pamunuan ng 602nd Brigade,mismong si Datu Montawal Mayor Datu Otho Montawal ang nagsabi na lahat ng programa ng militar na nagnanais sa kapakanan ng taong bayan ay hindi sila magdadalawang isip na itoy suportahan.
















