-- Advertisements --
doh 1

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 143 bagong kaso ng COVID-19, habang ang aktibong tally ay umakyat na sa 9,337.

Batay sa pinakahuling datos ng departamento, ang nationwide tally ay kasalukuyang nasa 4,076,014, habang ang active tally ay tumaas mula sa 9,269 na kaso nito.

Ang recovery tally naman ng bansa ay umabot na sa 4,000,601, habang ang death tally ay tumaas sa 66,076 na may 13 bagong nasawi.

Sa nakalipas na 14 na araw, iniulat ng Department of Health na ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na kaso na 421, sinundan ng Davao Region na may 218, Calabarzon na may 171, Western Visayas na may 92, at SOCCSKARGEN na may 70 bilang.

Iniulat din ng naturang departamento na ang bed occupancy ng bansa ay nasa 17.2% na may 4,340 beds occupied habang 20,959 ang bakante dito.

Una na rito, mahigpit pa ding nagpapaalala ang Department of Health na mag-ingat dahil mayroon pa ring banta ang nakamamatay na sakit na COVID19 sa ating bansa.