-- Advertisements --
Nagdulot ng malaking abala sa mga sumasakay sa LRT Line 1 ang biglang pag-usok ng isa sa mga bagon nito kanina, malapit sa Gil Puyat station sa Pasay City.
Sa inilabas na abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), ganap na alas-2:07 ng hapon nitong Biyernes, nangyari ang aberya.
Nabatid na ang biyahe ng train ay mula sa Baclaran at patungo sana sa Balintawak.
Lumalabas na problema sa catenary ang pinagmulan ng pangyayari.
Bandang alas-2:18 ng hapon nang magpatupad ng limitadong operasyon ang LRT-1.
Tiniyak naman ng pamunuan ng LRT na gumagawa na sila ng paraan para maibalik sa normal ang operasyon.