-- Advertisements --
pylon 503935 640

Inilabas na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga batayan para sa mga power generatioin facilities sa bansa.

Ito ay sa ilalim ng 2023 Revised Certificate of Compliance Rules.

Sa ilalim nito, magiging mas simple na ang regulatory process sa pagkuha ng mga Certificate of Compliance para sa mga naturang pasilidad.

Sa ilalim kasi ng naturang panuntunan, hindi na kailangan pang i-renew ng mag power generation ang kanilang coc kada limang taon.

Sasailalim din sa evaluation process ng ERC ang mga nag-apply ng COC alinsunod sa Energy Virtual One-Stop Shop Act.

Nakapaloob din dito ang listahan ng mga kinakailangang dokumento para sa pag-aapply ng COC sa iba’t ibang entities gaya ng generation facilities, distribution utilities, self-generation facilities, atbp. .

Ang COC ay ang lisensyang ibinibigay ng ERC sa isang indbidwal o instistusyon para makapag-operate ng bagong generation facilities.