Pormal nang itinurn-over ng Bacoor City ang Southern Tagalog Regional Hospital, mas kilala noon bilang Bacoor City District Hospital sa pamunuan ng Department of Health (DOloH).
Pinangunahan ang seremony nina Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, Cavite 2nd District Congressman Strike B. Revilla, Cavite Vice Governor Jolo Revilla, Former Senator JV Ejercito, Quezon Province 4th District Rep. Angelina Tan, Department of Health (DoH) Usec. Gerardo V. Bayugo at DoH Usec. Maria Francia M. Laxamana.
Ibinida rito ang 100 hospital beds capacity ng gusali maging ang mas pinaganda nitong professional health services.
Pamumunuan ng DoH ang paghawak at pagkontrol sa mga serbisyong hatid ng Southern Tagalog Regiobal Hospital.
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 20, 2019 ang Republic Act 11233 kung saan ginawa nang general hospital ang dating district hospital lamang.
Magiging bukas ang naturang ospital para sa mga residente ng Calabarzon.