-- Advertisements --
Napili ang Bacolod City na susunod na host ng PBA All-Star Weekend sa susunod na taon.
Mismo si PBA Commissioner Willie Marcial ang nag-anunsiyo sa pagtatapos ng 2023 PBA All-Star Weekend na ginanap sa Passi City sa, probinsiya ilo-ilo.
Dagdag pa ni Marcial na nakausap niya personal si Bacolod City Mayor Albee Benitez at malugod naman nitong tinanggap ang hosting.
Isinasapinal pa ng lungsod ng Bacolod ang mga venue kung saan gaganapin ang nasabing basketball.