-- Advertisements --
backride

Nilinaw ng Joint Task Force COVID Shield na puwede pa ring ang back-riding sa mga motorsiklo sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sinabi ni Joint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, papayagan nila ang pag-angkas sa mga motorsiklo bastat ang pasahero ay essential worker.

Ayon kay Eleazar, pinayagan nila ang backride sa mga authorized persons outside of residence (APOR) at essential workers dahil na rin sa limitadong transportasyon sa mga MECQ area.

Pero binigyang diin ni Eleazar na dapat ay work-related lagi ang pagbiyahe ng isang indibidwal.

Dagdag niya, kailangan ay mayroon pa ring safety barriers ang mga riders para sa proteksiyon ng driver at pasahero.

Ngayong araw ay epektibo na ang MECQ dito sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.

Magtatagal ito hanggang Agosto 18.