-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang backrider habang sugatan naman ang isa pa matapos makabangga ang isang motorsiklo sa isang tractor head sa Barangay Sto. Cristo, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang backrider ng motorsiklo na si John Mark Basarte, 19 at ang driver ng sasakyan na si Gregorio Basarte, 49.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na habang minamaneho ni Gregorio ang motorsiklo nito habang angkas si John Mark ng aksidenteng mag-slide at matumba ang nasabing sasakyan sa kalsada.

Dito naman nakaini ng motorsiko ang kabilang linya at diretsong nakabangga sa isang na mula sa kabilang direksiyon John Mark habang sugatan naman si Gregorio.

Samantala, hindi naman nasugatan ang driver ng tractor na kinilalang si Rodolfo Estilon, 59.

-- Advertisement --

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.