-- Advertisements --
plaka

Target ng Land Transportation Office (LTO) na maresolba ang backlogs sa mga plaka ng mga motor vehicle at motorsiklo sa taong 2024.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II, nakapag-order na ang LTO ng 15 million plaka para matugunan ang 179,000 backlog para sa motor vehicles at 13.2 million backlog naman para sa mga motorsiklo.

Ito ang tiniyak ng opisyal sa House appropriations panel kasabay ng pagdnig s proposed P214.3 billion budget para sa 2024 ng Department of Transportation (DOTr) kung saan attached agency nito ang LTO.

Siniguro din ng opisyal na nagpapatuloy ang delivery ng mga plaka.

Aniya, tumataas din ang bilang ng kanilang deliveried na nasa 250,000 pares para sa motor vehicles kada buwan habang tumaas naman sa 32,000 pairs kada araw o 120,000 pairs kada buwan ang kanilang production capacity.